- This event has passed.
π³οΈβπ UP DILIMAN PRIDE MARCH 2026 π³οΈβπ

π³οΈβπ UP DILIMAN PRIDE MARCH 2026 π³οΈβπ
Ang watawat ng bahaghari na ating itinataas ay hindi na lamang simbolo ng kapayapaanβito ay bandila ng ating paglaban.
Sa harap ng walang-awat na panliligalig, red-tagging, at panunupil ng estado sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, walang lugar ang takot sa ating espasyo. Bitbit ang nag-aalab na panawagan para sa tunay na pagkakapantay-pantay, katarungan para sa mga biktima ng pasismo, at pagtatanggol sa ating mga demokratikong karapatan, tayo ay lalabas at magmamartsa!
Inaanyayahan ng UP Diliman Gender Office (UPDGO) ang lahat ng estudyante, guro, kawani, organisasyon, at mga tagasuporta na makiisa sa ating opisyal na Pride March ngayong buwan.
ποΈ Kailan: Hunyo 25, 2026 (Huwebes)
β° Oras: 3:30 PM
π Mass-Up Area: Academic Oval (sa tapat ng Vargas Museum)
Magdala ng mga plakard, iwagayway ang inyong mga bandila, at iparinig ang ating nagkakaisang sigaw. Ipapakita nating ang paglaya ng LGBTQIA+ ay hindi kailanman maihihiwalay sa pambansang paglaya.
Hindi na natin hihintaying lumipas ang bagyo; tayo mismo ang bagyo! βπ
π£ Hindi Red Tag, Rainbow Flag!
π£ Justice for Alyssa Alano, Toboso 19, at lahat ng biktima ng karahasan ng estado!
π£ Defend Academic Freedom and Human Rights!
π£ Pass the SOGIESC Equality Bill Now!
Source: UP Diliman Gender Office Facebook