- This event has passed.
50 Taon ng Alaala at Paninindigan: Pagpupugay kay Maria Lorena Barros

50 Taon ng Alaala at Paninindigan: Pagpupugay kay Maria Lorena Barros
Sa darating na Marso 24, 2026, ginugunita ng sambayanang Pilipino ang ika-50 taon ng pagpapakabayani ni Maria Lorena Barros. Isang mahusay na makata, manunulat, at lider-estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas, si “Lore” ang unang Tagapangulo ng MAKIBAKA (Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) noong 1970. Ang MAKIBAKA ang naglatag ng pundasyon ng militanteng kilusang kababaihan sa bansa—isang kilusang naniniwalang ang tunay na paglaya ng babae ay hindi maihihiwalay sa paglaya ng buong bansa mula sa dayuhang dominasyon. Maging martir si Maria Lorena sa paglaban sa diktadurang Marcos noong martial law.
Sa gitna ng tumitinding tensyong geopolitikal at militarisasyon sa Asya-Pasipiko na itinutulak ng imperyalismong US, muling nagiging hudyat ang buhay ni Lorena Barros. Ang kanyang pagsusuri sa neokolonyal na kalagayan ng Pilipinas ay nananatiling matalas na gabay sa pag-unawa kung bakit ang kababaihan ang pangunahing biktima ng gera, kahirapan, at pagsasamantala.
Bahagi ito ng Diliman GAD Assembly on Women and War
Mga Isponsor ng Forum: UP Diliman Gender Office (UPDGO) Gabriela, Lila Pilipina, PCAIS, CONTEND, All-UP Academic Employees Union, Bayan
Source: UP Diliman Gender Office Facebook