- This event has passed.
IEM Sessions 2025 Episode 4 (Beyond the Plate: Navigating Picky Eating in Children with IEM)

Ngayong Pebrero, ang Center for Human Genetics Services ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Rare Disease Week upang bigyang-pansin at palakasin ang kamalayan tungkol sa mga IEM.
Inaanyayahan namin kayong makiisa sa IEM Sessions 2025 sa darating na Pebrero 21, 2025 (Biyernes) sa ganap na ika-1:00 ng hapon. Sa episode na ito, tatalakayin natin ang pagiging mapili sa pagkain ng mga batang may IEM at kung paano ito maaaring matugunan.
Layunin ng webinar na ito na bigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang mga magulang at tagapag-alaga sa tamang pagpapakain sa mga batang may
Inborn Errors of Metabolism (IEM). Pangungunahan ito ng mga eksperto sa larangan:
👩🏻⚕️ Dr. Angeli-Tristel Epetia – Developmental Pediatrician
👨🏻💼 Mr. Richard So – Occupational Therapist
Huwag palampasin ang pagkakataong matuto mula sa mga dalubhasa! Kita-kits! 👩🏻⚕️👨🏻💼
Source: Clinical Genetics- UP PGH Facebook